Photo credits: http://pupalumni83.blogspot.com/2009/08/polytechnic-university-of-philippines.html
Photo credits: http://pupalumni83.blogspot.com/2009/08/polytechnic-university-of-philippines.html
  1. Kailangan mong pumila sa napakahabang pila para lang makapag-enroll. Gustuhin mo mang pumila sa private schools, hindi kaya ng mga magulang mo ang tuition.
  2. Naligaw ka nung first day sa school dahil sa DOME. Kahit saan ka lumingon, iisa lang ang itsura ng lahat ng wing.
  3. Matatapos na lang ang enrollment pero di ka pa rin nakapag-enroll sa sobrang bagal ng SIS.
  4. Minumura mo na sa isip mo yung mga masusungit na taga-ARO at cashier.
  5. Sa lahat ng shake sa mundo, yung shake ni Virgin ang hindi mo makakalimutan hanggang paggraduate mo.
  6. Excited ka sa first day pero walang pumasok na Prof.
  7. Yung kubeta noon Julie’s bakeshop na ngayon.
  8. Pinaglalaban mo palagi na hindi ka isa sa mga nagsunog ng upuan o nagrally.
  9. Gutom ka na nga, siksikan at ang init pa sa canteen.
  10. Instant sauna kapag natapat ang klase niyo sa room na kulang o walang electric fan.
  11. Bumabaha na’t lahat lahat, hindi pa rin nagsususpend. Nung nagsuspend, nakalusong ka na sa baha.
  12. Magsisigawan mga classmates mo kapag dumaan na ang checker pero wala pa rin si Ma’am / Sir.
  13. Dinideadma mo lang ang bahay ni Mabini.
  14. SM Sta. Mesa after class.
  15. Kapag nagwork ka na, ikaw lang ang nakakaalam ng meaning ng FEWA.
  16. Alam mo kung nasaan ang mga motel.
  17. Lagi mong tinatanong kung ano ang purpose ng Great Wall / Intramuros na nakapalibot sa lagoon.
  18. Habang nagkaklase, may bigla-biglang nagrarally.
  19. Matatapos na ang sem pero hindi pa rin nagpapakita ang isa mong Prof. Nung nagpakita, finals agad.
  20. Hindi mo alam kung UFO o malaking thumbtacks yung tower na katabi ng Ninoy.
  21. Kung tagaMain, CEA, or Hasmin ka, palagi kang may nakikitang sumasayaw sa COC kadapunta mo roon.
  22. Inaabangan mo yung ferris wheel at perya kapag foundation week.
  23. May tiangge pala sa ground floor ng main.
  24. Hingal na hingal ka pagkadating mo sa classroom lalo na kung taga6th floor ka.
  25. Na-amaze ka nung nalaman mong may elevator pala sa main building.
  26. May isang sem na nagsama-sama lahat ng professors na sobrang mababa magbigay ng grades.
  27. Nakatikim ka lang yata ng unang uno sa P.E.
  28. May isang Prof. na matatapos na lang ang enrollment e hindi pa rin nagbibigay ng grade.
  29. Excited ka sa Pylon run pero medyo disappointed ka sa mga nakita mo.
  30. TERESA: dotahan, kainan, cuttingan.
  31. Unli-lugaw.
  32. Kahit di mo pinapansin, naiisip mo na mukhang resort yung swimming pool.
  33. Kapag kino-compare ka sa mga taga-ibang school, itong mga linyang ‘to agad ang binibida mo:
  • Utak lang ang puhunan
  • Pababaan ng tuition, pataasan ng utak
  • Scholar ng bayan
  1. Nakatambay ka sa labas ng chapel pero never ka pang nakapasok or bilang lang sa kamay yung mga times na nakapasok ka.
  2. May manok/kambing/baka sa Grandstand. (Pero hindi lahat ng batch naabutan ‘to.)
  3. Quota ka na sa pila mula PUPCET hanggang graduation. Pila Ulit Pila.
  4. Hulog ng langit ang FACULTY EVALUATION. Magagantihan mo na rin ang Prof. mong tamad, absent nang absent, late, namemera, mayabang, mapanglait at masungit.
  5. Nakakaiyak yung mga aayusin mong credentials bago ka gumraduate. Ang sungit pa ng evaluator mo.
  6. Pag nag-apply ka, bungad agad sa’yo yung, “A, kayo yung nagsunog ng upuan”.
  7. Magpapasalamat ka sa mga hirap na naranasan mo sa PUP. Magiging madali na lang sa’yo ang mahihirap para sa taga-ibang school dahil sa mga naranasan mo.

67 thoughts on “FORTY THINGS THAT ONLY PUPIANS UNDERSTAND

Leave a comment